Tzu Chi

Bulwagan ng Payapang Isipan (Still Thought Hall) ng Organisasyong Tzu-Chi. Nasa kanan ang isang ospital.

Ang Pundasyong Tzu Chi (Ingles: Tzu Chi Foundation, Tsinong pinapayak: 慈济基金会; Tsinong tradisyonal: 慈濟基金會; pinyin: Cí Jì; Wade–Giles: Tz'u Chi) ay isa sa pinakamalaking organisasyong Budista na nakabase sa Taiwan. Ang organisasyong ito ay itinatag ni Master Cheng yen, sa Hualien, Taiwan noong 14 Abril 1966 sa Hualien, Taiwan, matapos maliwanagan ng kanyang mentor na si Venerable Master Yin Shun (印順導師, Yin Shun Dao Shi), na nagturo ng makabagong bersiyon ng Makataong Budismo. Ang kanyang abiso ay "magsilbi para sa budismo at para sa sangkatauhan." Nagsimula ang samahan na may 30 maybahay na nagbigay ng maliit na halaga araw-araw hanggang sa lumawak ang organisasyon na kumakabilang sa mahigit 10 milyong kasapi.

Datapwat ang mga tradisyunal na mga samahang Budismo ay nagtuturo ng makasariling kaliwanagan at meditasyon, ang Tzu Chi ay nakapokus sa boluntaryong pagseserbisyo at outreach (kabilang ang medikal, edukasyonal, at tulong sa sakuna). Ngayon, masasabing isa sa pinakaepektibo at pinakamaayos na aid agencies sa rehiyon.

Ang karamihan sa misyon ng Tzu Chi ay pinapatupad ng internasyonal na network ng mga boluntaryo bagamat may minoryang kasapi na mga monghe. Makikilala ang mga volunteer ng Tzu Chi sa kanilang distinktibong mga uniporme (kulay asul na kamiseta, puting pantalon at sapatos, itim na sintoron,at logong may barko na nasa isang bulaklak na lotus). Kilala din sila sa tawag na "bughaw na mga anghel" dahil sa kanilang mga uniporme.

May mga sub-organisasyon ang Tzu Chi, katulad ng Tzu Chi Collegiate Association (慈濟大專青年聯誼會) na isa sa pinakakilala. Mayroon itong mga chapter sa mga kolehiyo sa daigdig.

Nananatiling non-profit organization ang Tzu Chi at nakapagtayo ito ng maraming ospital at paaralan sa iba't-ibang bansa, kabilang ang komprehensibong sistema ng edukasyon mula kindergarten, graduate school, at medical school sa Taiwan.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search